Friday, August 27, 2010

paBida

pagod ka na sa kakalakad..
paa mo'y pinapaltos na, at nangigitim na sa alikabok ng daan
hihinto ka sa isang tabi at bubuntong hininga.. (Haaayyy..)

pagod ka na ba sa araw araw mong paglalakad??
buhat buhat mo pa ang problema na dapat may kahati ka,
pero wala....
ginusto mo ito, pero di mo sadya
likod mo'y baliko na sa pasan pasan mong problema..

palagi nalang..

puro sentimyento,
puro reklamo,
puro hinaing,

di ba ikaw ang bida??
gusto mo ng lead role?
o.. ayan na!
bayani ka na..

puede ka naman tumalikod sa telon ng problema,
pero ginusto mo na ikaw ang asa centro ng entablado...
di ka ba nagsasawa sa palakpak ng mga taong hinahayaan mo maging malaya
at maging dakilang extra lang sa kwentong di naman saiyo...

ngumiti ka sa harap ng kamera..
kahit ayaw mo na..
panindigan mo...
dahil andun ka na...
wala nang atrasan pa..

No comments:

Post a Comment