Sunday, August 1, 2010

27

minsan kahit anong pigil mo sakanyang pagdaloy..
ay tuloy tuloy pa din itong gumagapang pababa sa iyong mukha..
maaring ang pag agos nito ay dala ng matinding emosyong nararamdaman mo,
na pilit mong tinatatago sa iyong puso...
sarap, sakit, pagtitiis at pagkapagod sa araw araw mong pakikipag laban sa buhay...

pilit mong inuunawa ang mga bagay na nagyayari sayo...
mga bagay na ikaw ang pumili...
mga bagay na iba ang hinayaan mong gumawa ng desiyon para sayo...
at ang mga pagkakataong panahon ang gumagawa ng sulat na itatala mo sa iyong buhay...

nakakapagod ding maging matatag.. maging matapang...
pero ganun talaga... iyon ang dapat...
bawal huminto... kahit pagod ka na...
bawal sumuko dahil buhay ka pa...
bawal umayaw dahil di pa tapos ang laban...

kung pwede mo lang sabihin sa mga problema mo na...
o cge... tama na.... stop na muna....
bukas ka nalang bumalik... pag ok na ako ulit at kaya na kita sagutin...

dalawamput pitong taon na akong nakipag bakbakan sa panahon...
madaming nagyari saakin buhay na ginusto ko at hindi ko pinlano...
madaming bagay sa aking buhay ang iniyakan at tinwanan ko...
madaming tao na minahal ako at sinasaktan... pero andyan pa rin at patuloy kong minamahal...
mga taong nananatiling matatag para saakin... at mananatiling naryan sa aking tabi...

ang luha ko ay salamin ng hinagpis, pagod at saya ng aking buhay...
at hindi pagsuko sa mga darating pang laban...
pagod man, pero tutuloy pa din ako...
mahahanap ko din ang liwanag at saya sa dulo ng aking paglalakbay...
malapit na..


+ Thank you Lord for everything! +

2 comments:

  1. Be happy 'coz you're strong and it's your birthday. Happy birthday! God bless you.

    ReplyDelete