Wednesday, October 12, 2011

Panginoon,

Simula Setyembre ... sunod sunod na bagyo ang humagupit sa Pilipinas
Patnubayan nyo po sana kami lalung lalo na ang mga taong kasalukuyang nahihirapan ngayon at nakalubog sa baha ang kani kanilang bahay... madami po ang maysakit, matatanda, mga sanggol at mga batang walang magawa kundi lumikas o di kaya ay maghintay ng tuong mula sa mga ibat ibang organisasyon.. Yakapin nyo po sila na sana di po sila bumitiw at mawalan ng pagasa... Patnubayan po sila na sana wala pong magyaring masama sa kanilang pamilya at sa kanilang mga ari-arian.

Sana po wala muna pong bagyo na sumunod pagkatapos ni bayong Ramon..
Madami pa po ang hindi nakakabagong mula sa mga nakaraang sakuna.

At kahit ano pa man.. nagpapasalamat po ako at hindi nyo kami pinababayaan...
Patawarin nyo po kami sa aming mga kasalanan... Alam ko na kami din ang may sala
kaya nagkakaroon ng mga ganitong sakuna... Patawarin nyo po kami...

Salamat Panginoon sa lahat. wag nyo po kami pababayan...

Amen

No comments:

Post a Comment