Wednesday, September 22, 2010

092310

*PAALAM: from my mar 28, 2007 blog post

gusto ko palaging tumingala sa langit...
pagmasdan ang ilaw na nililikha ng buwan at mga bituin...
hintayin ang pagbuo nito, at isiping... andun ka at nakatingin sakin.. ;
gusto ko palaging lumingon sa aking likuran pag gabi,
baka sakaling makita kitang nagmamasid at nakangiti. ;
gusto ko palaging pagmasdan ang mga tagong lugar sa bahay at sa labas ng opisina,
bka dun matagpuan kitang nagtatago at nag hihintay sa aking pagdating.. ;
gusto ko palaging tignan ang pintuan mula sa higaan,
bka sakaling kumatok ka at mangulat nalamang...
pero wala akong makita...
ni wla akong maramdaman...
pero alam kong andun ka lng....
di ko maiwasang di ka maisip...
di ko magawang ikay kalimutan...
di ko maiwasang maiyak at alalahanin ka...
minsan naman, di ko na magawang umiyak kahit sobrang bigat na ng aking dibdib...
parang ayaw kumawala..
parang kusang itinatago ng puso ko ang lahat ng bigat,
wag lng akong malungkot ng tuluyan...
sayang...
sana personal kong nasabi sayo kung gaano ka kaimportante sakin...
hindi puro sulat lng...
gusto kong bangitin ng paulit-ulit hanggang magsawa ka sa lahat ng aking mga sinasabi...
gusto kong maramdaman mo lahat ng saya,
lungkot, bigat at pagpapasalamat na aking nararamdaman....
di ko lubos maisip kung bakit ganun kabilis...
bakit ganun kadali...
walang paramdam...
walang pahiwatig...
pero ang alam ko...
sinadya ng pagkakataon na andun ako ng mawala ka...
upang makita kita, mahawakan kita, makausap kita...
at mayakap kita...
upang MAGPAALAM..........


* thank you tatay for all the things that you have done for me..
I miss you so much!..
Happy Birthday! Ilove you!

No comments:

Post a Comment