Thursday, December 31, 2009

Saturday, December 19, 2009

soldier of love

sometimes
we must know
when to fight
and
when to surrender.

Sunday, December 13, 2009

imaginary moments

our eyes met.
you followed.
our hands touched.
you smiled.
my heart beats fast..

stop! its a dream..
but I'm glad that you visited me..
even for a Moment...

*the difference between false memories and true ones is the same as for jewels:
it is always the false ones that look the most real, the most brilliant. -salvador dali


photo: http://hypnodreams.org/index5.htm

Thursday, December 10, 2009

dead end

paano tayo matatapos kung ni minsa'y walang simula?
paano tayo magkakaroon ng pagkakaintindihan,
kung katahimikan ang namamagitan sa ating dalawa?
paano magiging maayos kung pareho tayong ayaw ng gulo..
ayaw masaktan.. at ayaw maging matatag..
paano tayo magtatagpo, kung wala ni isa saatin
ang gustong humarap at magpaliwanag..
paano natin mararamdaman ang pagmamahal ng bawat isa,
kung walang gusto sumugal?
paano natin tatangapin saating sarili na dahil dito walang paano,
walang meron, walang mahal at walang tayo.....


*inspired by juno's story

Monday, December 7, 2009

status

Sunday, September 13, 2009

conversation over a hot coffee

kevin: ano yun?
cat: memory....
kevin: sins of yesterday?
cat: hahaha hindi...
cat: wala lang, kasi parang you're trying to forget the past pero yun ang lumalapit sayo
cat: alam mo yun
kevin: i think i do
kevin: thing is, we can't run away or even forget our past
kevin: but the best is to move on look forward
kevin: pag humarap ka at yung kahapon pa rin ang nasa ngayon, then that's something you probably have to deal with now.
----
"Minsan pagkatapos mong isara ang libro ng nakaraan ay bigla bigla nalang ito bubukas sa oras na hindi mo inaasahan. Animo'y hinihinpan ng hangin ang mga pahina nito pabalik sa iyong isipan. Ang mga bagay na ibinaon mo nalamang sa isang parte ng iyong utak ay unti unting kumakalat hanggang iyong maramdaman ang lugkot at pagkabagabag. Dahil minsan ang mga tauhan nang kasalukuyan ay mga multo ng nakalipas...."


photo: http://www.watchmojo.com/blog/tag/coffee/

Sunday, September 6, 2009

maalat ang lasa ng luha

*for my 1st post... here's a blog from my2005 L journal / for brian

maalat ang lasa ng luha...
oo alam ko yan....
nabasa ko nga pala ang sulat mo kanina....

halos maiyak ako...
dama ko ang hinagpis na dala ng bawat letrang aking binibigkas....
sa tuwing nakikita kita sa mga piging, parang masaya ka....
sa bawat ngiting tinatapon mo sa mga nakakasalubong mo...
sa bawat halik at yakap na pinapadama mo sa mga kaibigan mo...
parang kumpleto ka...

di din pala....

akala ko masya ka...
lahat meron ka....
mula sa pisikal na kagandahan hanggang pagiging popular...
asa iyo na lahat...
sa bawat bukas mo ng alak at paglaklak nito.... alam kong...
kasabay ng paglunok mo, ang pagtanggap mo sa mga kabiguang nararamdaman mo...
sa bawat pagpapakita sayo ng kaluluwang nilikha ng mapaglaro mong isipan...
tinanggap mo sa iyong sarili ang pagiging magisa...

alam kong mahal mo sila....
pero ang tangging solusyon sa iyong hinagpis ay ang pagmamahal sa iyong sarili..
maalat ang lasa ng luha ... alam ko....

halika...
sasabayan kita....
isang tagay nga dyan!!


photo : http://www.redbubble.com/people/kionee/art/2800328-5-rainy-day